The diarya with a floral scent

Theme by nostrich.

12th January 2011

Text

Gasat

Hindi ko alam kung mukha ba akong mandurukot, holdaper, o manyakis. Palagi kasi pag nakasakay ako sa bus ako yung laging huling tinatabihan. Lalo na pag babae. May tatabi na lang sa akin pag puno na talaga ang bus at wala nang ibang mauupuan maliban sa tabi ko.

Baka naman mabaho ako… hmmm….

Speaking of but not related to…

Nabibwiset ako pag yung kunwari naglalakad ako tapos may babae sa harap ko tapos bigla siyang napalingon sa likod at nakita ako tapos biglang ilalagay yung bag sa harap niya.

So may posibilidad nga rin na mukha talaga akong mandurukot…

Tagged: wala po kasi akong ginagawa sa sakahan